Archive for August, 2006

ano ang latest?

Thursday, August 17th, 2006

matagal-tagal din ako ndi nkapag-online, wala kasi internet d2 sa ofc at wala nman ako panahon magrent. gusto ko magpasalamat kay sir arlan sa comment nya tungkol sa paglalagay ng table, na-try ko na yung instruction nya, medyo nahirapan ako, ang gulo kasi e! pero nagawa ko nman (hehehe!). iba ka talaga! salamat!

anyway, ano na nga bang pinagkaabalahan ko nitong nagdaang mga araw?

well, naging busy ako sa paghahanap ng bagong trabaho. yun nga lang, lagi nman ako binabagyo tuwing may schedule ako ng interview! (sign ba ito?!) yung isa nga hindi ko na talaga napuntahan dahil kung kelan paalis na ko tsaka umulan ng sobrang lakas! (tama ba yun?!) ayun awa ng Diyos walang tumanggap sa akin hehehe! pero may nagoffer nman ng trabaho kaya ok na din. Nakapagpasa na ko ng resignation ko, syempre chika chika sa boss (actually puro tawa lng ginawa ko sa harap nya d ko kasi alam sasabihin ko hehehehe!), kesyo bibigay kung ano gusto wag lang umalis, mga ganung bagay ba, kaso ayaw ko na talaga at wala naman sya magagawa kaya pumayag na din (yahooo!). malapit na ko magstart sa bago trabaho, sana lang maiba! (wish ko lang! hehehe!)

wala masyado happening maliban sa sine at ilang beses na paginom kasama ang mga former ofcmates, kung hindi sa crossing e sa cubao, wala lng, inom lang, usap tungkol sa kung anu-ano at kung sinu-sino hehehe!

tinatamad na ko magisip ng isusulat medyo masama kasi pakiramdam ko ngayon, napuyat pa ko kagabi (uminon na nman!). sa wakas nakainom na din ako ng kape sa starbucks! first time! hehehe! masarap naman pala kaso mahal talaga sayang pera ( buti na lang libre! :-) ) sana may manglibre ulit!

tama na muna to next time na lang ulit!