Archive for April, 2006

pasyal-pasyal lang

Wednesday, April 26th, 2006

Antipolo_1

altar ng Antipolo church at isang painting/sculpture sa dingding ng simbahan ( hindi ko alam kung ano sya wala kasi nakalagay e)

papasok ka pa lang ng gate ng simbahan may lalapit na syo na nag-aalok ng mga kakanin (libre tikim!), sa labas nman mismo ng simbahan may mga nag-aalok ng picture (30 mins. lang develop na). unfortunately wala kaming naabutang misa, hindi kasi namin alam kung may misa talaga ng Black Saturday, nagtanong kami sa guard 4am ng Sun. pa ang misa ("Salubong"). inikot na lang namin ang simbahan (hindi na kami kumuha ng ibang pic hindi nman kasi museum un e, nakakahiya! hehehe!), nag-sindi ng kandila (piso lang isa sa likod ng simbahan) at syempre nagdasal. para pasalubong bumili ako ng suman ( bilin ni nanay), sa-mane (yung bilog na parang panutsa na may mga mane), at kalamay. pauwi dumaan kami sa overlooking sa sumulong hi-way, P50 per hour ang kubo, tig-2 bote ng san mig light ( Black Sat. uminom pa rin! sensya na!) at isang order ng sisig ( na parang dinurog na chicharon ang sahog hehehe!).

Eco_2  La Mesa Ecopark - Fairview, QC

P50 ang entrance pero kapag taga-QC ka P40 lang. may swimming pool sa loob hiwalay na bayad pero hindi kami nagswimming, may P100 na bayad kung gusto mo magwall climbing at magrapel hindi rin namin na-try (ang iksi kasi ng pagrarapelan e), meron din boating pero hindi rin kami nagpunta, kailangan pa ata lumabas ulit para makapunta dun. wala lang nagbaon kami ng isang buong lechon manok at kanin, kumain sa ilalim ng puno habang nanonood ng nagrarapel at mga nangingisda sa pond ( isa lang ata ang nakahuli sa dami nila), kumain ng dirty ice cream ( 2 beses!), naglakad, nagkuhaan ng picture at umupo kung saan-saan. nakakapagod, nakakaantok at ayaw umalis ng 2 tao sa upuan kaya naisip na lang namin manood ng sine. hindi ko na sasabihin kung ano pinanood namin, basta horror sya! hehehe!