blah blah blah
another one of the not so productive day of my not so productive life. with all the chaos happening everywhere (edsa celebration, rallies, a coup attempt and everything…) i am here blogging! hmmm… buti na lang…
–> hindi ako ang presidente ng pilipinas so hindi ko kailangan mag-isip kung meron ngang nagbabantang coup, kung sino ang mga involve at kung ano ang dapat na gawin. although madami ng tao ang binabayaran para gawin ang mga bagay na yan para sa presidente, atleast ndi ko kailangan magkulong sa malacanang para makinig at magbasa ng kabi-kabilang report (kailangan mo pa isipin kung intelligent nga ang intelligence report nila! hehehe!). walang nagpoprotesta at pumipilit na magresign na ako (maliban sa sarili ko!). hindi ko kailangan ngumiti at magpapicture habang kumakain kasama ang mga militar para lang masabi na “tingnan nyo close kami at sinusuportahan nila ko” at gumawa ng kung anu-ano pang paraan para lang mapatunayan na wala ng ibang mas mabuting mamuno maliban sa kanya. hmmm, sino na nman kaya kinakausap nya ngaun sa phone?!
–> hindi ako pulis o militar. mahirap ata timbangin kung ano ang mas mahalaga, ang tumupad sa tungkuling ibinigay sayo o ipaglaban ang pinaniniwalaan mo. mahirap isipin kung hanggang kailan at saan ang ipinapatupad na maximum tolerance (maiksi pa nman pasensya ko). mahirap ata makipagtulakan at makipagpatentero sa mga rallyista habang may dalang metal shield (gaano kaya kabigat yun?!).
–> hindi ako rallyista. kaw na ang maglakas loob na magsisigaw ng “makibaka!” kahit alam mong wala namang makikinig sayo maliban sa mga kasama mo (deadma lng!). paano kung tunay ang layunin mo tapos pagbintangan kang “hakot”? ano ang pakiramdam ng walang katapusang pakikibaka para sa pagbabago? wala namang pagbabago e, nag-iba lang anyo, paraan at personalidad, pero kung anong pinaglalaban noon ganun pa rin ang sinisigaw ngayon. good luck na lang!
buti na lang simpleng tao lang ako, binabayaran habang nagaaksaya ng 8 oras. hindi ko na kailangan lumabas para makipaglaban, sa tingin ko nman matuturing ko ring mabuting mamamayan ang sarili ko e. sumusunod naman ako sa batas, sa kauna-unahang pagkakataon e bumuto na rin ako (mukhang nagkamali nga lang ako ng binoto hehehe!), sa tax naman…. nagdeclare na ng state of national emergency ang pangulo, ano bang epekto nun sa akin? hindi ko alam, wala naman akong alam e, hindi ko nga alam kung anong pinagsusulat ko dito, ni hindi nga ko sigurado kung may nagbabasa nito e. hindi ko kayang baguhin ang lahat, kung pwede bakit hindi pero sino ba nman ako? sabi ko nga d b? nagaaksaya lang ako ng oras wala kasi akong magawa e, bakit ba? hehehe!