Merry Christmas and Happy New Year!!!

December 27th, 2008 by dhesrapal

Sa aking mga kaibigan, kakilala, kaklase, katrabaho, dating katrabaho, inaanak, kumare, kumpare, sa mga nakaalala,  sa mga paminsan-minsang nakakaalala at sa mga di nakaalala. Belated Merry Chrismas at Happy New Year!!! Sana maging maganda ang susunod na taon sa ating lahat! Goodluck!!

WHO WAS YOUR LAST

April 8th, 2007 by dhesrapal

rule #1: You can only say Yes or No, on
the First 24 Q’s
Rule #2: You are NOT ALLOWED to explain
ANYTHING unless someone messages you
and asks

1. Kissed someone on your featured
friends?
–no

2. Had feelings for someone who didn’t
have them back?
–yes

3. Been arrested?
–no

4. Kissed someone you didn’t like?
–no

5. Slept in until 5 PM?
–yes

6. Held a snake?
–NO

7. Been suspended from school?
–no

8. Been fired from a job?
–no

9. Sang karaoke?
–yes

10. Done something you told yourself
you wouldn’t?
–yes

11. Laughed until you started crying?
–yes

12. Kissed in the rain?
–no

13. Sang in the shower?
–yes

14. Sat on a roof top?
–yes

15. Been pushed into a pool with all
your clothes on?
–no

16. Broken a bone?
–no

17. Shaved your head?
–no

18. Played a prank on someone?
–yes

19. Had a gym membership?
–no

20. Felt like killing someone?
–yes

21. Cried over someone you loved?
–YES

22. Shot a BBgun?
–no

23. Donated Blood?
–no

24. Still love someone you shouldn’t?
–no

L A S T S

1. What did your last text message say?
– d2 na ko wla ata bayad center d2 (hehehe!)

2. Person you hung out with?
– friends

3. Rode in a car with?
– boss and ofcm8s

4. Went to the movies with?
– myself

5. Went to the mall with?
– myself

6. You talked on the phone with?
– client

7. Made you laugh?
– tatay

8. Last person you told and/or they
told you they Loved you?
– roger

W O U L D . Y O U . R A T H E R.

1. pierce your nose or tongue?
– nose

2. Be serious or be funny?
– funny

3. Drink whole or skim milk?
– whole

4. Die in a fire or get shot?
– shot

5. Spend time with your parents or
enemies?
– parents

A N S W E R . T R U T H F U L L Y.

1. Do you like anyone?
– yes!

2. Sun or moon?
– moon

3. Winter or Autumn?
– autumn

4. left or right?
– right

5. 10 acquaintances or two best
friends?
– 2 best friends ..

6. Sunny or rainy?
– sunny

A B O U T . Y O U
1. Age?
20 something…

2. First name?
tane…

3. Where do you wanna live??
– big house with swimming pool

4. How many kids do you WANT?
– 3

5. Do you want to get married?
– yes

6. Do you twirl your spaghetti or cut
it?
– twirl it

7. Have you ever eaten spam?
–yes

8. How many kinds of cereal are in your
cabinet?
– 0

10. Do you cook?
– NO

11. Current mood?
– happy

I N . T H E . L A S T . 48 H O U R S .
H A V E . Y O U.

1. Kissed some one?
– no

3. Been hugged?
– no

4. Felt stupid?
– yes

5. Missed someone?
– yes

6. Danced crazy?
– no

8. Gotten your hair cut?
– no

9. Cried?
– no

. S T U F F .

1. Have you ever been searched by the
cops?
– no

2. Do you have a Dog?
– no

3. Would you rather sleep with someone
else, or alone?
– with someone

4. Do you believe in ghosts?
– yes

5. Do you consider yourself creative?
– sometimes
Repost this as W H O . W A S .
Y O U R . L A S T

wala lang

March 12th, 2007 by dhesrapal

wala lang paparamdam lang.

tagal ko  kc di nkpagonline baka sakali nami-miss nyo na ko hehehe!

miss nyo ko ‘no?! aminin!!!

sa mga nakamiss sa akin, miss you too!

sa mga hindi, paki ko!

sa mga wala paki-alam, tseee!

maraming sa salamat sa lahat ng mga nakaalala nung pasko, new year, birthday at valentine na nagdaan. sensya na at wla ko time magreply tamad kasi ang lola nyo e! hehehe!

sunod na lng ulit!

ano ang latest?

August 17th, 2006 by dhesrapal

matagal-tagal din ako ndi nkapag-online, wala kasi internet d2 sa ofc at wala nman ako panahon magrent. gusto ko magpasalamat kay sir arlan sa comment nya tungkol sa paglalagay ng table, na-try ko na yung instruction nya, medyo nahirapan ako, ang gulo kasi e! pero nagawa ko nman (hehehe!). iba ka talaga! salamat!

anyway, ano na nga bang pinagkaabalahan ko nitong nagdaang mga araw?

well, naging busy ako sa paghahanap ng bagong trabaho. yun nga lang, lagi nman ako binabagyo tuwing may schedule ako ng interview! (sign ba ito?!) yung isa nga hindi ko na talaga napuntahan dahil kung kelan paalis na ko tsaka umulan ng sobrang lakas! (tama ba yun?!) ayun awa ng Diyos walang tumanggap sa akin hehehe! pero may nagoffer nman ng trabaho kaya ok na din. Nakapagpasa na ko ng resignation ko, syempre chika chika sa boss (actually puro tawa lng ginawa ko sa harap nya d ko kasi alam sasabihin ko hehehehe!), kesyo bibigay kung ano gusto wag lang umalis, mga ganung bagay ba, kaso ayaw ko na talaga at wala naman sya magagawa kaya pumayag na din (yahooo!). malapit na ko magstart sa bago trabaho, sana lang maiba! (wish ko lang! hehehe!)

wala masyado happening maliban sa sine at ilang beses na paginom kasama ang mga former ofcmates, kung hindi sa crossing e sa cubao, wala lng, inom lang, usap tungkol sa kung anu-ano at kung sinu-sino hehehe!

tinatamad na ko magisip ng isusulat medyo masama kasi pakiramdam ko ngayon, napuyat pa ko kagabi (uminon na nman!). sa wakas nakainom na din ako ng kape sa starbucks! first time! hehehe! masarap naman pala kaso mahal talaga sayang pera ( buti na lang libre! :-) ) sana may manglibre ulit!

tama na muna to next time na lang ulit!

ok lang!

July 3rd, 2006 by dhesrapal

wala nman gusto ko lng magpost, wla kc magawa e! ano ba nangyari nung mga nakaraang araw? hmmmm…. magwindow-shopping dahil walang pambili, magyaya uminom at magpalibre, makitulog sa ibang bahay dahil sa pag-inom, mag-intay ng text para sa di matuloy-tuloy na gimik, manood ng sine, kumain, matulog at magaksaya ng oras ko at oras ng ibang tao. masaya ba? pwede na. maliban sa madalas na pagkadulas o pagkadapa e wla naman major accident, physically ok naman ako (actually sobrang ok nga ng timbang ko hehehe!), walang malaking away kahit kanino (bait na ko e, ayaw ko na away!), walang kahiya-hiyang pangyayari, wala nman problema sa pamilya (maliban sa pera hehehe!), wala nman problema sa lovelife :-) , wala problema sa mga friends (hindi ko kasi sila nakikita e! hehehe! maliban sa iilan na nakakaalala), sa trabaho nakakatiis pa… hopefully! so anong problema ko? wala nmang hindi ko kaya i-handle kaya ok lang! ;-)

:-(

June 7th, 2006 by dhesrapal

Sadness
by Jeremy Redinger
(www.netpoets.com)

Am I to be happy?
I dwell so deep within myself
that I have never seen the light of day.

The past never happened,
the future will never come,
and the present isn’t real.

Depression is a part of everyday life.
The birds chirp for someone else,
The day warms the lives of everyone,
but me.

Happiness lies near,
but my mind won’t let my heart reach for it,
and happiness never knew.

I live in a prison,
solitary confinement.
Fear is my guard.

Nothing stops happiness from reaching me,
only me from it.
I am sure that if I can ever grasp it
that the barrier will be forever shattered.

How do you break through invisible bars?
What is it like to touch something you’ve never had?

I am confined to myself,
Just me and my sadness. 

pasyal-pasyal lang

April 26th, 2006 by dhesrapal

Antipolo_1

altar ng Antipolo church at isang painting/sculpture sa dingding ng simbahan ( hindi ko alam kung ano sya wala kasi nakalagay e)

papasok ka pa lang ng gate ng simbahan may lalapit na syo na nag-aalok ng mga kakanin (libre tikim!), sa labas nman mismo ng simbahan may mga nag-aalok ng picture (30 mins. lang develop na). unfortunately wala kaming naabutang misa, hindi kasi namin alam kung may misa talaga ng Black Saturday, nagtanong kami sa guard 4am ng Sun. pa ang misa ("Salubong"). inikot na lang namin ang simbahan (hindi na kami kumuha ng ibang pic hindi nman kasi museum un e, nakakahiya! hehehe!), nag-sindi ng kandila (piso lang isa sa likod ng simbahan) at syempre nagdasal. para pasalubong bumili ako ng suman ( bilin ni nanay), sa-mane (yung bilog na parang panutsa na may mga mane), at kalamay. pauwi dumaan kami sa overlooking sa sumulong hi-way, P50 per hour ang kubo, tig-2 bote ng san mig light ( Black Sat. uminom pa rin! sensya na!) at isang order ng sisig ( na parang dinurog na chicharon ang sahog hehehe!).

Eco_2  La Mesa Ecopark - Fairview, QC

P50 ang entrance pero kapag taga-QC ka P40 lang. may swimming pool sa loob hiwalay na bayad pero hindi kami nagswimming, may P100 na bayad kung gusto mo magwall climbing at magrapel hindi rin namin na-try (ang iksi kasi ng pagrarapelan e), meron din boating pero hindi rin kami nagpunta, kailangan pa ata lumabas ulit para makapunta dun. wala lang nagbaon kami ng isang buong lechon manok at kanin, kumain sa ilalim ng puno habang nanonood ng nagrarapel at mga nangingisda sa pond ( isa lang ata ang nakahuli sa dami nila), kumain ng dirty ice cream ( 2 beses!), naglakad, nagkuhaan ng picture at umupo kung saan-saan. nakakapagod, nakakaantok at ayaw umalis ng 2 tao sa upuan kaya naisip na lang namin manood ng sine. hindi ko na sasabihin kung ano pinanood namin, basta horror sya! hehehe!

E.K.!!!!!!!!!!

March 26th, 2006 by dhesrapal

matapos ang halos 3 buwan na pagpaplano, mahabang paglalakad ( hindi pa rin kmi nakaabot sa shuttle!), sa wakas nakarating din kami!!! hindi ko first time makapunta dun kaso nung una ang daming tao at kailangan umuwi ng maaga (u know! mother n father! hehehe!) kaya hindi rin namin nasakyan lahat. ngayon, wala na masyadong tao kaya madali nang makasakay sa mga rides. nakasakay kami sa lahat ng rides (maliban sa mga kiddie rides, pero kung pede why not!) yung iba nga 2 beses pa e!

favorites:

space shuttle - feeling mo mahuhulog ka! hehehe! 2x sinakyan

anchor’s away - torture! lalo na pagpababa! nakakapanghina! 2x sinakyan

jungle log jam - mababang version ng space shuttle, walang kahit anong proteksyon maliban sa mahigpit mong paghawak sa kinauupuan mo! 1x sinakyan kasi mahirap magpatuyo

non-favorites:

kart trak -feeling ko sayang ang dagdag Php210/person na binayad kasi ang bagal ng nakuha kong kart, ang sakit sa kamay ng manibela, ang baho ng makina at ayoko ng helmet! nakakahilo!

swan lake - mahirap magpidal lalo na kapag mabigat kayo ng kasama mo! hehehe!

Picture38_resize

pasukan at labasan

Picture41_resize

:-D wala syang ipin

Picture42_resize

henna Php100

Picture32_resize

sa ibabaw ng EK!!!!

190306_1332

first stop!! carousel! hehehe!

Picture31_resize

im on top of the world!!! hehehe!

190306_1617

ang basang medyas!
Picture37_resize

hindi si roger yan ha!!

190306_1420

eto si roger, ayaw nya magpapicture nyan!!!

190306_1433

nabilad sa araw kaya natusta!! hehehe!

Acknowledgements:

salamat sa bumubuo na pelikulang Exodus sa pagbibigay ng libreng tickets sa EK! hehehe! salamat kay glen sa pagtuturo ng sasakyan sa alabang papuntang sta. rosa. salamat sa guard ng sm sta rosa at sa mamang pinagtanungan namin kung saan ang sakayan ng EK. salamat sa tricycle driver na naghatid sa amin sa EK kahit Php120 ang bayad. salamat na din sayo sa pagaaksaya ng oras mo sa pagbasa ng post ko! hehehe

p.s.

hindi ko kung pano maglagay ng table dito sa blog kaya ganyan itsura nya. tinry ko lahat pero ayaw! reresearch ko muna! kung mabait ka at alam mo ituro mo na lang sa akin! hehehe!

ebolusyon

March 15th, 2006 by dhesrapal

Baby_tane_3

noon…

120405_1319_2

ngayon…

Nanay_1

bukas…

medyo madilim ang pic (galing sa lowtech kong cel hehehe!) pero nanay ko yan hehehe!!! wla lang, naisip ko lang madami kasi nagsasabi magkamukha daw kami.

blah blah blah

February 23rd, 2006 by dhesrapal

another one of the not so productive day of my not so productive life. with all the chaos happening everywhere (edsa celebration, rallies, a coup attempt and everything…) i am here blogging! hmmm… buti na lang…
–> hindi ako ang presidente ng pilipinas so hindi ko kailangan mag-isip kung meron ngang nagbabantang coup, kung sino ang mga involve at kung ano ang dapat na gawin. although madami ng tao ang binabayaran para gawin ang mga bagay na yan para sa presidente, atleast ndi ko kailangan magkulong sa malacanang para makinig at magbasa ng kabi-kabilang report (kailangan mo pa isipin kung intelligent nga ang intelligence report nila! hehehe!). walang nagpoprotesta at pumipilit na magresign na ako (maliban sa sarili ko!). hindi ko kailangan ngumiti at magpapicture habang kumakain kasama ang mga militar para lang masabi na “tingnan nyo close kami at sinusuportahan nila ko” at gumawa ng kung anu-ano pang paraan para lang mapatunayan na wala ng ibang mas mabuting mamuno maliban sa kanya. hmmm, sino na nman kaya kinakausap nya ngaun sa phone?!
–> hindi ako pulis o militar. mahirap ata timbangin kung ano ang mas mahalaga, ang tumupad sa tungkuling ibinigay sayo o ipaglaban ang pinaniniwalaan mo. mahirap isipin kung hanggang kailan at saan ang ipinapatupad na maximum tolerance (maiksi pa nman pasensya ko). mahirap ata makipagtulakan at makipagpatentero sa mga rallyista habang may dalang metal shield (gaano kaya kabigat yun?!).
–> hindi ako rallyista. kaw na ang maglakas loob na magsisigaw ng “makibaka!” kahit alam mong wala namang makikinig sayo maliban sa mga kasama mo (deadma lng!). paano kung tunay ang layunin mo tapos pagbintangan kang “hakot”? ano ang pakiramdam ng walang katapusang pakikibaka para sa pagbabago? wala namang pagbabago e, nag-iba lang anyo, paraan at personalidad, pero kung anong pinaglalaban noon ganun pa rin ang sinisigaw ngayon. good luck na lang!

buti na lang simpleng tao lang ako, binabayaran habang nagaaksaya ng 8 oras. hindi ko na kailangan lumabas para makipaglaban, sa tingin ko nman matuturing ko ring mabuting mamamayan ang sarili ko e. sumusunod naman ako sa batas, sa kauna-unahang pagkakataon e bumuto na rin ako (mukhang nagkamali nga lang ako ng binoto hehehe!), sa tax naman…. nagdeclare na ng state of national emergency ang pangulo, ano bang epekto nun sa akin? hindi ko alam, wala naman akong alam e, hindi ko nga alam kung anong pinagsusulat ko dito, ni hindi nga ko sigurado kung may nagbabasa nito e. hindi ko kayang baguhin ang lahat, kung pwede bakit hindi pero sino ba nman ako? sabi ko nga d b? nagaaksaya lang ako ng oras wala kasi akong magawa e, bakit ba? hehehe!